![]()

Batid kong hirap ka sa kinatatayuan mo
ngayon kaibigang kasoy.
Oo nga’t madilaw at mukha kang matamis
kapag hinog
bakit pagkatao mo’y nasa kinalahati?
Alam kong nasa loob nakalakip ang iyong
walang hangganang pagsisisi
nasa labas nakausli
dunong at kagandahan
na iyong inasam.
sa labas ng iyong kampana
tila mukha kang nagbigti
Ayaw mo kasi ang himig
sa loob.
Suwail kang talaga!
Di ba’t sinabi na sayo
ng Amang buto na manatili?
Siguro nga’t di mo alintana
kabalintunaan ng mundo.
Mahirap pag umuulan.
Mahapdi pag umiinit.
Maingay, mabilis, mapang-api,
Magulo sa labas.
Inosente ka nga.
buti nga…
buti nga…
ba’t did mo ako ginaya?
kontento na sa lahat.
bagay ay sadyang darating
pag hinog na itong mangyari.
heto ako ngayon.
walang pagbabago.
inaantay na bumagsak
ang hinog na bayabas kahit
alam ko nang kinakain na ito
ng mga gutom na munting maya.
heto ako ngayon. tulad pa rin ng dati.
tulad
pa
rin
ng
dati.
Tags: diana, hinog, juan tamad, kasoy, matamis, mythopoem, poetry



"And They Say..."