Buto ni Kasoy
pinagkaitan ng tadhana
nangarap na makalabas
sa lungga
ninais na makita ang mundong ibabaw.
Pinagbigyan ng Diwata
hiling ay tinupad
ng masaksihan and marikit na mundo
puso ba nya’y nagalak?
nakisaya,
nakisalo,
nakihalubilo.
Natapos ang gabi,
bumuhos ang malakas na ulan
na animo’y di na muling lalabas
ang sikat ng araw.
Kulog, kidlat
umaalulong na mga lobo sa gubat
lamig ng hangin dumadaloy
sa kaibuturanng kanyang katawan.
Nag-iisa sa gitna ng dilim
naghahanap ng masisilungan.
Katahimikan ngayon ang nahari
ngunit hagulgol ni Kasoy ay di mawari
sigaw nya sa Diwata ay di marinig
na nuon sa kanya’y naghandog
ng hiling.
Maya’t maya,
isang bulong ang pumukaw.
“Kasoy, bakit luha
sayo’ng mata’y dumadaloy?”
hinanap ng Kasoy ang pinanggalingan
ng tinig.
Ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi
nang makita ang isang tulad nya
na pagsisis din ang naging bunga
na hindi na makabalik sa sariling mundo.
“Ako’y tulad mo rin nuon,
nangarap na maransan ang mundo
ngunit het ako ngayon,
nasa labas din ang buto,
at mas nauna ako sa’yo.”
Ligaya ni Kasoy ay di mapawi
nang makita ang kabiyak ng puso
Isa ring kasoy na sa kanya’y tumambad.
“hindi pala ako nag-iisa,”
bulong ni Kasoy.



"And They Say..."